Tuesday, November 9, 2010

"Through the lane"



"Through the lane"
By: Neil Gabriel G. Bonto

Naranasan mo na bang pumila ng buong araw?
'Yung tipong inaatake ng init, gutom at uhaw?
Sikmura mo ay natutunaw, mundo mo ay parang magugunaw
Mga imahinasyong sa isip mo ay sumasayaw

Sa sobrang dami, para kaming nasalanta ng bagyo
Tila pumila sa WOWOWEE upang maging milyonaryo
Makikita mo sa mukha ang pagiging desperado
Magtataka ka na marami palang gustong makaboto

Siguradong mawiwiwndang ka kapag wala kang kasama
Walang libangan at kakwentuhan sa pila
Mas pipiliin mo pang magbasa ng bibliya
O manuod ng isang korning tagalog na pelikula

Hindi ko nga alam kung bakit nagawa kong pumila
Sa mga oras na yon, nagmukha akong tanga
Para lang makarehistro, oras ay inaksaya
Sana natulog nalang ako o di kaya ay nagDOTA ^_^

Sa loob ng isang araw nakita ko ang larawan ng bansa
Ang mabagal na usad ng pila ay simbolo ng bagsak na ekonomiya
Ang simpleng pagsingit, tila mga pulitikong mapagsamantala
Kayo na magdesisyon kung saan ang nararapat na pila

1 comment:

  1. prang PUP ..
    haha ..

    Pila
    Uli
    Pila ..

    charOt ..

    ReplyDelete