Friday, December 17, 2010

"talusira"

"Talusira"
By: Neil Gabriel G. Bonto
Sabi ko gagawin na
Nagbago ang isipan
Kasi pupunta ako
Nanatili sa kalalagyan

Sabi ko tatahimik na
Nagdaldal na naman
Kasi may alam ako
Ninais kalimutan

Sabi ko aalis na 
Nagsabi sandali lang
Kasi nagsawa na ako
Ngunit nanatiling naandyan

Sabi ko ngayon na
Naisip ang "mamaya na lang"
Kasi may bago ako
Nagnais nang iba naman

Sabi ititigil na
Nawili na naman
Kasi ayaw patalo
Napasuko na lamang


Sabi ko magbabago na
Naku, wag na lang!
Alam ko kaya ko
Nanaig ang katamaran


Sabi na tao ako
Nakahanap ng dahilan
Alam ko hindi lang ako
Naiintindihan mo rin iyan




2 comments: