Tuesday, November 9, 2010

“Silid-Nakawan”

“Silid-Nakawan”
By:Neil Gabriel Bonto

Oh napakalungkot na araw
Nang pinasok kami ng magnanakaw
Mga bag namin ay aming sinilip
Wala na pala ang iba naming gamit

Ang mga nawalan kanya kanyang hanapan
Ngunit 'di na matagpuan 'di alam kung nasaan
Ang iba naman ay walang kamalay-malay
Kanilang mga pitaka nasa iba nang kamay

Dahil sa mga pangyayaring iyan
May mga nag-iyakan
Habang ang iba ay walang pakialam
At karamihan ay nagtsismisan

Oo nga lahat kami ay matatalino
Pero sadyang sa amin may mas henyo
Ang mga magnanakaw na pumasok sa aming kwarto
Kung sino man kayo,mga lahi kayo ng demonyo!

Oh ang mga mandarambong nga naman
Magaling dumiskarte kahit kailan
Wala na ba silang mapaglibangan?
Pati kaming mga cute kanilang pinagtripan

Kung kelan magtatapos na tayo
Tsaka pa may nangyaring ganito
Kung sino man ang gumawa nito
Sinisira niyo ang Pangalan ng lagro

Dumating ang mga gwardya,upang magimbestiga
Ngunit wala rin silang nagawa,nagmukha lang silang tanga
Dahil 'di makilala ang mga tunay na salarin
Di rin malaman kung saang room hahanapin




May mga pinagdududahan
Ngunit 'di tiyak ang katauhan
Pero kami rin ang may kasalanan
Dahil sa aming kapabayaan

Oh hinding-hindi naming malilimutan
Itong araw ng mga nakawan
Isa man itong masaklap na karanasan
Nagawa naming magdamayan kahit minsan

Kaya para sa lahat ng nanakawan
Sana kayo ay may natutunan
Mga bagay na mahalaga dapat ingatan
Maging pera man o pitakang walang laman

1 comment:

  1. haahha graveh! uu nga kung cnu man un! LETSE sya..! lakas ng loob sa room p ntin npiling mgnakaw.. teka nsan b teu nung mga panahong un? at pinasok ang room????

    ReplyDelete