"Juan Thing"
By: Neil Gabriel G. Bonto
Ang mga kabataan na dapat ay nasa silid aralan
Ngayo'y inuubos ang oras sa maduming lansangan
Ano kaya ang ginagawa ng ating pamahalaan?
Dapat silay bigyan ng pansin at pahalagahan!
Maraming mga pilipino ang tahanan ay selda
Ngunit karamihan dito ay malinis ang konsensya
Walang kasalanan,ngunit sila ang nagdurusa
May matatawag pa bang tapat na hustiya?
Ang mga nakalathala sa pahayagan
Ay ang mga walang katapusang "patayan"
Kung ito ang lagi nating kagigisnan
May matatawag pa bang kapayapaan?
Maraming mga pilipinong nakatambay na lamang
Ang iba ay nagkalat sa lansangan
Karamihay'y umaasa sa mga sugalan
Umaasa sa swerteng dulot ay biglang yaman
Anupa't hinalintulad ang pulitiko sa magnanakaw
Karamihan sa salapi ay nasisilaw
Pagkatapos silang iluklok sa ibabaw
Mga pangako nila'y parang nilangaw
Ang mga manggagawang pilipino sa trabaho ay subsob
Hindi iniinda ang mga hirap at pagod
Para lang kumita sige lang ang kayod
Bakit 'di magawa ng gobyernong taasan kanilang sahod?
Ang mga mayayaman sige lang ang gastos
Habang ang iba'y hirap sa paglimos
Kahit piso kukunin para lang makaraos
Paghihirap ni Juan kelan kaya matatapos?
parang nakakaamoy ako ng konsehal neil bonto sa darating na eleksyon!haha..joke lang. :P
ReplyDelete