"Mantsa ng kahapon”
(ang pilipinas sa loob ng sandaang taon)
Bumangon, bumagsak nabasag ang sariling diwa
Napalitan ng pananampalatayang banyaga
Halos nakapiring, at hindi magamit ang mata
Alab sa isip at puso ay ‘di makabisita
Iminulat ang langit, nabago ang dating awit
Nagawang mapalitan ang mga katutubong titik
Animo’y pagmamalasakit ng may bahid ng hasik
Nagawang linlangin ang mga musmos na pagiisip
Tayo’y minaliit, sa sariling bayan nilitis
Mistulang mga manika na pinalitan ng bihis
Ilang taon, dekada o higit pa na nagtiis
Sa isang mabagsik at mahaba na pagkahapis
Walang mga awa at hindi makataong paghamak
Ang pagkatao at budhi malupit na winasak
Matagal naghirap sa paglakad ng nakayapak
Kirot ng dugo, lungkot ng luha ang pumatak!
Maraming saya at lungkot na ang lumipas
Mga palaaral at makabayang nagsipag-aklas
Kirot ng kahapon ay nagiwan ng bakas
At mananatiling mantsa na ‘di na makalas
mukhang ang taas ng grade mo sa Rizal ah..haha
ReplyDelete