LAMOkatol
By: Neil GAbriel G. BontoSa aking pagtulog, may 'di inaasahan
May elementong bumasag sa kahimbingan
Sige ang haplos sa inosenteng katawan
Pagbukas ng ilaw sila'y pinalakpakan
Lamok lang pala ang siyang nangbubulabog
Sa sobrang badtrip ko hindi na makatulog
Akala mo mga karayom kung makatusok
Gusto ko mang gumanti 'di naman masuntok
Sa galing mangasar, 'di ko na nakayanan
Napabili tuloy ng katol sa tindahan
Nilagay sa kwarto, agad sinindihan
Salamat, pahinga na ako sa higaan
Ngunit naghamon ng pangalawang digmaan
Binili kong sandata,'di maaasahan
Paghihirap ko wala na bang katapusan?
Mababaliw na ata ako, oh Sh!t naman!
Pambihirang kwarto pineste ng mga lamok
Sa lupet umilag parang mga jeep na patok!
Ayaw pahuli sa katol kong supot ang usok
Palibhasa dos lang kaya ayaw patepok!
Nang kinabukasan nakaramdam ng sakit
Bukod sa puyat ko, pantal ang sinapit
Bumara ang lalamunan, tila naipit
Traydor na katol,'di na ako gagamit!
Ang usok na dapat sa lamok ay bumugaw
Sa loob ng katawan napiling sumayaw
Pinagkamalang hideout ng lamok at langaw
Langhiya! Sa lalamunan ko pa naligaw
Ang 'di sadyang paglanghap ng usok ng katol
Ngayon sa akin ay lubos na nagpatahol
Dulot ay sipon sa salita nagpabulol
Sa isang Bioflu inasa ang paghatol
Kaya ang payo 'wag na bumili ng katol
Sa halip ay maligo na lang ng Alcohol
Babala; Gumawa, daig pa asong ulol
Sigurado bukas kaw na binuburol
Inakala mo sigurong ako ay adik
Himbing ng tulog ninais lamang makamit
Heto nagdurusa sa sakit na sinapit
Bangungot na digmaan 'wag na sana maulit
(true to life story men! hehe,.napagtripan ko lang gawin to...haha, sana nagustuhan nyo...)
astig 2. hahah
ReplyDeletehahaha!mag kulambo ka na lang! :P
ReplyDeletetaray!!haha..di ko tuloy alam kung sa katol ka galit o sa lamok eh..hihihihi
ReplyDelete