Tuesday, November 9, 2010

Ehemplo


“Ehemplo”
(liham sa mga dalagang taga-malolos)
By: Neil Gabriel G. Bonto

Sadya nga na mayroong mga likas ang pagkamahinhin
Ngunit ang iba’y nahubog sa ilalim ng dilim
Hinamak at dinurog ang mapurok na damdamin
Ang paglilingkod sa mga kura ang naging tungkulin

Ang mga prayleng dapat may dalang kabanalan
Nauna pang magimbak ng galon ng kasalanan
Ang mga dalagang pagiisip kanilang nilinlang
Walang ginawa kung hindi sila ay pasakitan

Madalas na nakatali sa iba ang mga kamay
Niloko at inalipusta ng walang malay
Sa sobrang paghamak , para na rin silang pinatay
Ipinaramdam na ang buhay nila’y walang saysay

Araw-araw na pamumuhay ay puno ng sigwa
Walang magawa kung ‘di sa sarili ay maawa
Papanong magiging isang mabuting halimbawa
Kung hindi nila mailahad ang sariling diwa

Palibhasa ang iba ay walang pinagaralan
Kaya tuloy madali silang nalalapastangan
Papa’no pa magiging ehemplo sa kabataan?
Kung ang sarili mismo ay hindi maipaglaban                                                              
                                                                                                
Ang nais ni Rizal ang kaibig-ibig na dalaga
Marunong magisa at sa kapwa magpahalaga
Ano pa at sila rin ang mga susunod na ina
Marapat lamang, kayang humarap sa mga problema
                                                                                                                                                                               
Hindi naglaon ay minithi ang makapagaral
Ninais ibangon at linisin kanilang dangal
Kahit maraming salungat ay nagawang umangal
Karapat-dapat nga lamang hangaan ni Rizal 

2 comments:

  1. rizal is anti female...or baka produkto lang sya ng henerasyon nila..mga sexist. :(
    kung mapapansin mo dun sa tula, yung role lang ng babae sa community ay maging ina..yun lang.

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete