“Bilog ang mundo”
Pagising sa umaga,unang bukas ng mata
Parang may anghel sa lupa ako’y natulala
Pero ng punasan ko ang aking muta
Ikaw palagi ang aking nakikita
Simula noong ikaw ay mapansin
Mga mata ko sayo nakatingin
Di alam kung paano ka susuyuin
Pagkat ako ay sadyang mahiyain
Sa tuwing ikaw ay aking kinakausap
Tila ako ay laging nasa ulap
Mga mata mo ay kumukuti-kutitap
Ngiti mong kay ganda parang model ng “close-up”
Kahit saan Pangalan mo ang naririnig
Araw-araw na lang ikaw ang bukangbibig
Sa tingin ko ito na nga ang pagibig
Pagkat ang aking puso sa’yo pumipintig
Kung sakaling ako man ay iyong sagutin
Di ka magsisisi,maniwala ka sakin
Sapagkat ikaw lang ang aking iibigin
Di ipagpapalit maging kay Angel Locsin
Kung ako’y sinungaling,ako ay iyong sipain
Sa Dyaryo balutin at ipakain sa pating
Lahat ng iyan ay pilit kong titiisin
Kung yan lang ang paraan upang ako’y mahalin
Kung iba man ang iyong nais piliin
At ika’y makatagpo ng artistahin
Wag na wag mo sana akong lilimutin
At lagi mong isipin na ako’y cute din!
Oh giliw lagi kong napapanaginipan
Tayo daw ay nasa magandang simbahan
At ginaganap ang magarbo nating kasalan
At sa labas ang mala piyestang handaan
Ngunit mananatiling pangarap na lang ang lahat
Ng aking makitang may nakaakbay sayong balikat
Ang pangyayaring ito’y lubos kong ikinagulat
Sa sobrang saklap,di ko ito matanggap
Sa iyong kagandahan ako’y naakit
Ngayon ako ay masisiraan ng bait
Pagkat nalaman kong ako’y ipagpapalit
Sa isang walang kwenta at ubod ng pangit!
Kung sakaling ako’y tumalon ng building
Naroon ka kaya para ako’y saluhin?
At kung hindi mo man iyan gagawin
Yari ka ikaw ang aking mumultuhin
Paano kaya ako makakagawa
Tulang may matatalimhagang salita?
Kung ikaw ay sakaling mawawala
Takbo ng buhay ko paano na kaya?
Noon nga’y akala ko na magiging tayo
At ikaw ang mamahalin ko ng todo
Ngunit ang pagibig nga ay pabagobago
Tama nga sila tunay ngang “Bilog ang Mundo!”
hEart ang mundo?haha.. :p
ReplyDeletehaha, lanie ikaw ba yan? astig nga pag heart eh :))
ReplyDeleteyung title parang familiar.. yan ba yung sa Filipino naten nung 4th year? nung pinagawa tau ng tula ni mam pedroch??
ReplyDeletehehe
tooomooo karen! :)
ReplyDeletehmm..contradicting tong piece na to at yung "talusira"..hehe :P
ReplyDelete