Saturday, March 5, 2011

Sapat??



Sapat??
By: Neil Gabriel G. Bonto

May mura o may kamahalan
Makukulay o simple lamang
Isusukat at aapakan
Bibilhin at tatawaran
‘Iyo o sa iba nakalaan
Koleksyon o pangangailangan
Itinago at ‘di maalikabukan
Mababasa at matutuyuan
Lubos na pakikinabangan
Mayroong pagsasawaan
Minahal at iningatan
Itinapon at pinabayaan
Maluluma at malalamatan
Kukupas ang kagandahan
Pinansin o Hinayaan
Kukunin o Iiwan
Ginamit o ipinahiram
Nasira at pinalitan
Maraming duming daraanan
Gagalaw ng sunod-sunuran
Pinaghirapan o pinagkakitaan
Para sa mga paa na nakaabang
Maliit man ay pansinin naman
Dahil ang iba ay walang ganyan

No comments:

Post a Comment