Saturday, May 21, 2011

                            
     - THE END -                   
By: Neil Gabriel G. Bonto

End of the World?
Let's end the Talk!
Hindi  kaya ng utak ko na maarok
Ang rurok  ng mga animo'y propetang may tuktok?!
Sila ang sa langit ay hindi papasok!

Kay raming petsa na nagsasabing gugunaw ang mundo
Naku next year baka araw-araw na ito
Para na tayong nakikinig sa mga tsimis ni Kris Aquino
Oops, fanatic ka niya? Peace! Opinyon lang 'to
Sila na ang sikat sa publiko!

Oo nga naman kanya-kanyang opinyon
Pero kailangan bang ikalat at idamay ang Panginoon?
Sabi niya plus Batay sa Libro equals Automatic Prediction!
Tsaran! Wow! Imba! Ganun-ganun na lang ba iyon?
Sila na ang talented prophet ngayon!

Parang asong wala sa lugar ang tahol
At daig pa ang hukom kung humatol
Bato-bato sa langit ang tamaan ay sapul!
Utak ata ang literal na nalindol
Sila na mga na-ul*l
 
Imbes na ang buhay ay bigyan ng kahulugan
Ay nilalapatan ng walang batayan na hulaan
Ay Diyos ko! Isang purong kalokohan!
Paumanhin , at aking pinatulan
Sila ang bida at kontrabida sa aking tugmaan!


"And now the end is near and so I face the final curtain
My Friend , I'll say it clear, I'll state my case of which i'm certain" -Frank Sinatra


Saturday, March 12, 2011

A Final Verse



A Final Verse
By: Neil Gabriel G. Bonto

As my naked ears hear the days pass
I realize how mortal I am
We all grow up and learn so fast
Yet no one knows how long they'll last

If I only knew of when is my final existence
I'll write the most touching verses
As well as my hindmost wishes
Words seeking for my friend's forgiveness

I'll share all the thoughts that I want to say
Records of my unforgettable days
With a vision of peaceful world someday
Encouraging readers to live life in God's way

An ode filled of good riddance
A thank you note for my parent's guidance
Along with praises for my loved ones
This will be a sheer remembrance

The poetry of all that I am
Bound with my memories and wisdoms
"Til my last breath comes, I'll bear this upon
Reaching the gate of my Father's Kingdom

"Tapos"


Tapos?
By: Neil Gabreil G. Bonto

Paano nga ba magsulat ng tapos?
Sa papel na musmos
Malinis at walang galos
Gamit ang utak na laos
Hiling na salita ay 'di ubos
Sa pahayag na tuwiran ang agos
Mga ideyang itutubos
Mga katagang nagtutuos
Sa isip ng may kathang nag-uutos
Na isaad ng panulat sa pagkuskos
Hindi alintana ang paltos
Mailahad lang ang damdaming nakagapos 
Hahayaan kaya akong makaraos
Kung sa ganitong daloy  matatapos?

Saturday, March 5, 2011

Sapat??



Sapat??
By: Neil Gabriel G. Bonto

May mura o may kamahalan
Makukulay o simple lamang
Isusukat at aapakan
Bibilhin at tatawaran
‘Iyo o sa iba nakalaan
Koleksyon o pangangailangan
Itinago at ‘di maalikabukan
Mababasa at matutuyuan
Lubos na pakikinabangan
Mayroong pagsasawaan
Minahal at iningatan
Itinapon at pinabayaan
Maluluma at malalamatan
Kukupas ang kagandahan
Pinansin o Hinayaan
Kukunin o Iiwan
Ginamit o ipinahiram
Nasira at pinalitan
Maraming duming daraanan
Gagalaw ng sunod-sunuran
Pinaghirapan o pinagkakitaan
Para sa mga paa na nakaabang
Maliit man ay pansinin naman
Dahil ang iba ay walang ganyan

Monday, January 3, 2011

"BACK 2 SOON"

.


"BACK 2 SOON"
By: Neil Gabriel G. Bonto

Magbabalik. Papasok
Kalaban. Antok
Gising. Extended na tulog
Takdang Oras. 'Di Masunod
Kain Ligo. Harap Salamin
Ubos Oras. Pili ng susuotin
Baon. Hihirit dagdag
Masaya. Sasarado palad
Hahalik. Magulang
Bahay. Iiwan
Magaantay. Sasakyan
Minsan Madalas. Bus o Jeep
Depende. Mood o Trip
Pagsakay. Nagmamasid
Ikot ng Mata. Laban sa inip
Bababa. Sa Lrt pupunta
Pipila. Huhulog barya
Sa loob. Siksikan
Lalabas. Lakad na naman
Mag-iiba. Pakiramdam
Papalapit. Dahan-dahan
Aura. iba sa eskwelahan
Pagpasok. Ibang mundo
Hahawak. Ballpen , notebook, libro
Antay. Prof na magtuturo
Makikinig. O patay na nakaupo
Batian. Kwentuhan
Exam. Digmaan
Sulyap. Titigan
Assignment. Sipag kailangan
Trip. Tawanan
Puyat. Tagyawat na naman
Mag-aantay. Hanap tambayan
Kain. Busog mata at tiyan
Uwian. Sino masabayan?
Balik. KINABUKASAN?